May sariling paraan ang coronavirus upang gantihan ang ‘maling pahayag’ ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ayon kay Sen. Ping Lacson.

Gayunman, pabor pa rin ang mambabatas na gumaling ang kalihim mula sa nakahahawang sakit.

“The coronavirus has its own ruthless way of hitting back when someone falsely claims doing an excellent job in dealing with it,” sabi ni Lacson sa Twitter, Martes.

“No matter what, I’m on Harry’s side in his fight against the virus,” dagdag niya.

Magugunitang giniit ni Roque noong Marso 8 na “excellent” ang COVID-19 response ng gobyernong Duterte kahit pa bumulusok ang ekonomiya ng bansa at napakaraming Pinoy ang nawalan ng trabaho habang may pandemya.

Tapos, kahapon ay inanunsyo niyang nagpositibo siya sa coronavirus.

The post ‘COVID gumanti kay Roque’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-gumanti-kay-roque/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=covid-gumanti-kay-roque)