Sa kabila ng pagsirit ng presyo ng mga baboy, manok at iba pang pangangailangan, bumaba naman ang presyo ng mga isda ayon sa Department of Agriculture.

Sa market price monitoring na ginawa ng DA-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, nakita na mula P260 hanggang P280 ay bumaba na ang presyo ng galunggong sa P180 kada kilo.

Bukod sa galunggong, naitala din ang pagbaba sa presyo ng tilapia (P120) at bangus (P180).

Saad ng DA, ito’y dahil muling tumaas ang supply ng mga isda sa bansa, bunsod ng pagtanggal sa fishing ban sa ilang palaisdaan.

“With the resumption of large supplies of fresh marine commodities in the market, our consumers now have more affordable fish to choose from and put on their tables,” ayon kay DA Undersecretary Cheryl Natividad-Caballero.

Naniniwala din siya na ang pagdami ng supply ay makatutulong para sa food security ng Pilipinas habang dumaranas ng krisis sa pandemya.

The post DA: Galunggong, iba pang isda abot-kaya muli first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/da-galunggong-iba-pang-isda-abot-kaya-muli/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=da-galunggong-iba-pang-isda-abot-kaya-muli)