Nagpasalamat ang isang solon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpirma nito sa panukala na gagawing apat ang mga distrito ng Rizal.

Ayon kay Rizal Rep. Fidel Nograles ang dalawang dagdag na distrito ay magpaparami sa mga proyekto ng gobyerno na mapakikinabangan ng mga residente ng lalawigan.

“This will go a long way towards addressing issues of inequity under the present setup, and ensure that in the near future RizaleƱos will have better access to the government’s resources,” ani Nograles, may-akda ng House Bill 6222.

Sa ilalim ng panukala, ang bayan ng San Mateo ay magiging ikatlong distrito at ang Rodriguez ang magiging ikaapat.

Mananatili naman sa ikalawang distrito ang Cardona, Baras, Tanay, Morong, Jalajala, Pililla, at Teresa. At walang magiging pagbabago sa unang distrito.

“It is a good challenge to be able to serve more than one million constituents. But it is a challenge that does not need to continue existing in the future, and I’m glad that the country’s leaders recognize the urgent need for more equitable distribution of resources as we try to recover from the pandemic,” dagdag pa ng solon.

The post Dagdag distrito ng Rizal nilagdaan ni Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dagdag-distrito-ng-rizal-nilagdaan-ni-duterte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dagdag-distrito-ng-rizal-nilagdaan-ni-duterte)