Inalog ng magnitude 4.0 na lindol ang Davao Occidental kaninang hatinggabi.

Ayon sa Phivolcs, alas-12:30 ng umaga, Marso 22, nang tumama ang lindol sa 406 kilometro timog-silangan ng bayan ng Sarangani.

Tectonic ang origin ng pagyanig at may lalim itong 25 kilometro.

Samantala, hindi naman inaasahan ng Phivolcs ang pinsala sa ari-arian at mga aftershock matapos ang lindol.

The post Davao Occidental niyanig ng lindol first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/davao-occidental-niyanig-ng-lindol-9/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=davao-occidental-niyanig-ng-lindol-9)