Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang Davao Oriental nitong Martes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, alas-11:09 ng gabi, Marso 23, nang tumama ang lindol sa 146 kilometro southeast ng Governor Generoso.

Ang tectonic quake na ito ay may lalim anilang 22 kilometro.

Samantala, hindi inaasahan ng Phivolcs ang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

The post Davao Oriental inuga ng lindol first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/davao-oriental-inuga-ng-lindol-8/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=davao-oriental-inuga-ng-lindol-8)