Inuga ng magnitude 4.9 na lindol ang Davao Oriental nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa earthquake bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ito nang alas-9:10 ng gabi sa southeast ng Manay, Davao Oriental.

May lalim na 30 kilometro itong tectonic earthquake.

Samantala, saad din ng Phivolcs, hindi inaasahan ang pinsala at aftershocks matapos ang lindol.

The post Davao Oriental niyanig ng magnitude 4.9 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/davao-oriental-niyanig-ng-magnitude-4-9/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=davao-oriental-niyanig-ng-magnitude-4-9)