“Kulang-kulang ang bakuna kahit bilyon-bilyon ang inutang, ako pa ang bitch?”

Tugon ito ni Sen. Leila De Lima nang tawagin siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang bitch.

Magugunitang sinabi ni Duterte nitong Huwebes na ang nakapiit na senador ang “only bitch” dahil “napaniwala niya ang mundo na she is a prisoner of conscience.”

“Bitch? Kulang-kulang ang bakuna kahit bilyon-bilyon ang inutang, ako pa ang bitch?” sagot ni De Lima sa Twitter kagabi, Marso 18.

“Sa dami ng namamatay sa COVID at EJK, ako pang pinakulong na nga nya, ang nasa utak pa rin nya?”

“Incompetent people will always call you names. Panlihis na naman ni Duterte sa mga kapalpakan nya,” aniya pa.

The post De Lima pumalag kay Duterte: Ako pa ang bitch? first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/de-lima-pumalag-kay-duterte-ako-pa-ang-bitch/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=de-lima-pumalag-kay-duterte-ako-pa-ang-bitch)