Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) nitong Lunes na itinakda ang kanilang rehistrasyon para sa akademikong taon 2021-2022 sa mas maagang petsa na Marso 26 hanggang Abril 30.

Anang pamunuan ng DepEd, bunsod ito ng mga pagbabago sa kanilang school calendar taong 2020-2021.

“Dahil sa malaking pagbabago sa Taong-Panuruan (SY) 2020-2021, isasagawa ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang early registration para sa SY 2021-2022 sa Marso 26 hanggang Abril 30, 2021,” saad nila sa kanilang pahayag.

Ani Education Secretary Leonor Briones, dapat maagang magparehistro ang mga incoming kindergarten at mga baitang 1,7 at 11 para makagapaghanda agad ang mga ito.

“All incoming Kindergarten, Grades 1, 7, and 11 in public elementary and secondary schools shall pre-register to allow the Department to make necessary preparations and incoming plans for the coming school year,” sambit ng kalihim.

Kaugnay nito, hindi na aniya kailangan mag-pre-register ng mga baitang 2-6, 8-10 at 12 dahil pre-registered na ang mga ito.

“[A]ng mga nasa baitang 2-6, 8-10, at 12 ay ikinokonsidera nang pre-registered at hindi na kailangan pang sumali sa early registration,” hayag niya.

Tiniyak naman ni Briones na isasagawa ang early registration sa ligtas na paraan habang sinusunod ang mga ipinatutupad na safety protocol.

“In the context of the prevailing COVID-19 public health emergency, the conduct of early registration shall be done remotely in areas under general community quarantine. In-person registration through parents or guardians may be allowed in areas under modified general community quarantine provided physical distancing and health and safety protocols are strictly observed.”

Kaugany nito, hinimok ng naturang kagawaran ang mga out-of-school youth; mga naninirahan sa isolated at armed conflict areas; may mataas na kaso ng krimen at pang-aabuso na bumalik sa pag-aaral.

The post DepEd maaga registration para sa susunod na school year first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/deped-maaga-registration-para-sa-susunod-na-school-year/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=deped-maaga-registration-para-sa-susunod-na-school-year)