Masama ang kalagayan ng celebrity stylist na si Fanny Serrano matapos itong ma-stroke, lampas isang linggo na ang nakalilipas.

Sa Instagram post ni ‘Megastar’ Sharon Cuneta, binahagi nito na umaasa na lang sa ngayon si Fanny sa life support para manatiling humihinga.

“Tita Fanny is now on life support…meaning, without all the machines connected to him, he would no longer be able to breathe on his own,” saad ni Shawie.

Nahihirapan din si Sharon dahil mukhang hindi niya puwedeng mabisita ang sikat na stylist.

“There are just no words for how painful this is for me and the others who love you…Bakit naman ni hindi tayo puede magkita ngayon pa?” aniya pa.

Ayon pa sa aktres, pagod na siyang mawalan ng mahal sa buhay at inaalala ang biglaan ding pagpanaw ng celebrity designer na si Rocky Gathercole.

https://www.instagram.com/p/CMzCvsdj_Rd/?utm_source=ig_embed

The post ‘Di na makahinga: Fanny Serrano nilagay sa life support first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/di-na-makahinga-fanny-serrano-nilagay-sa-life-support/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=di-na-makahinga-fanny-serrano-nilagay-sa-life-support)