Kung si Interior Undersecretary Epimaco Densing III ang tatanungin, mali ang ginawang pagbakuna kay Mark Anthony Fernandez, na isang aktor.

Ito’y kahit pa pinaliwanag ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na substitute lamang sa bakuna si Fernandez at tapos na rin umano sila sa pagtuturok sa mga medical worker.

Giit ni Densing, madaling gumawa ng excuse at sinabing hindi sinusunod sa Parañaque ang vaccination priority list.

“Mali yung substitution list nila,” saad ni Densing sa panayam ng Teleradyo.

Dahilan pa ng DILG official, maraming puwedeng unahin ngunit isang aktor pa ang napiling ipalit sa mababakunahan.

“Bakit sila inuuna? Ang pwedeng gawing substitiution yung driver, yung nasa palengke, yung frontline worker, yung essential worker. Bakit nila inuna yung isang artista na walang sakit sa katawan?” sambit pa ni Densing.

Isa sa dinahilan ni Olivarez ay may co-morbidity umano si Fernandez bilang may hypertension at depression daw ito.

The post DILG ‘di kinagat palusot ni Olivarez: Puwedeng frontliner bakunahan, bakit aktor pa? first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dilg-di-kinagat-palusot-ni-olivarez-puwedeng-frontliner-bakunahan-bakit-aktor-pa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dilg-di-kinagat-palusot-ni-olivarez-puwedeng-frontliner-bakunahan-bakit-aktor-pa)