Naniniwala si Department of the Interior and Local Government (DILG) spokesperson Usec. Jonathan Malaya na may dalawang sanhi sa kasalukuyang pagsirit ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang “pagiging kampante” umano ng mga Pinoy at ang positibong pananaw nila dahil dumating na ang coronavirus vaccines.

Si Malaya ay isang manunulat, awtor, at negosyante, pero hindi isang doktor.

“Sa tingin ko, dalawang issues ‘yung nagiging cause ng surge. One is [COVID-19] fatigue: napagod na ‘yung ating mga kababayan… Naging lax,” sabi ni Malaya sa panayam sa One PH nitong Sabado.

“The second thing na nakikita ko is ‘yung vaccine optimism. Kasi dumating na ‘yung more than one million vaccines partly from Sinovac, Astrazeneca, so nagkaroon ng optimism na, ‘O, patapos na ‘yung pandemya, pwede na kaming gumalaw’,” aniya pa.

The post DILG sinisi madla sa pagsirit ng COVID cases first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dilg-sinisi-madla-sa-pagsirit-ng-covid-cases/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dilg-sinisi-madla-sa-pagsirit-ng-covid-cases)