65,091,800 katao na sa buong mundo ang gumaling mula sa coronavirus disease.

Batay ito sa COVID-19 dashboard ng Center for Systems Science and Engineering (CSSE) ng Johns Hopkins University (JHU), Huwebes.

Nangunguna sa may pinakamaraming nakarekober na pasyente ang India sa 10.81 milyon, sumunod ang Brazil (9.55 milyon) at Russia (3.81 milyon).

Samantala, ayon din sa dashboard, 115,117,893 na ang nahawa habang 2,558,784 indibidwal na sa daigdig ang nasawi dahil sa COVID-19.

192 mga bansa o mga rehiyon na ang apektado ng pandemyang coronavirus, saad pa ng JHU-CSSE.

The post Dinaig COVID worldwide 65M na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dinaig-covid-worldwide-65m-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dinaig-covid-worldwide-65m-na)