Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na lumaganap na sa buong National Capital Region ang dalawa sa mga bagong variant ng coronavirus disease.

Ang mga variant na unang na-detect sa United Kingdom, at sa South Africa.

“We saw that these variants are now in all cities here in Metro Manila. That is factual,” ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang briefing, Lunes.

“In all of the cities, we have either the UK variant or the South Africa variant. Also in other cities, they have both UK variant and South Africa variant,” dagdag niya.

Ayon sa COVID-19 tracker ng DOH, kasalukuyang mayroong 73,072 aktibong kaso ng coronavirus sa Pilipinas, kabilang ang 38,268 na naitala sa Metro Manila.

The post DOH: 2 bagong COVID variant kalat na sa NCR first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-2-bagong-covid-variant-kalat-na-sa-ncr/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-2-bagong-covid-variant-kalat-na-sa-ncr)