Kinumpirma ng Department on Health (DOH) na nakapasok na sa bansa ang bagong coronavirus variant na “P.3.”

Ani Dr. Anna Ong-Lim mula DOH technical advisory group, na-detect ng Philippine Genome Center ang 85 kaso na may kakaibang strain ng COVID-19 at isinumite ito sa Phylogenetic Assignment of Named Global Outbreak Lineages (PANGOLIN).

“We were waiting for them (PANGOLIN) to let us know kung ito nga ba ay unique to the Philippines or natuklasan na sa ibang bansa,” wika niya.

“They’ve come back to us and told us na ito nga ay bagong variant,” pagpapatuloy niya.

Ayon sa pahayag ng ahensya, kasalukuyang 98 indibidwal na ang nasapaul ng P.3 Covid variant sa bansa na siyang sinasabing mas malubha at nakakahawa.

Nito lamang Biyernes nang mapaulat na isang 60-anyos na Pinoy ang nakapagdala ng bagong Covid variant sa Japan. (VAPA)

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/pinoy-nagdala-ng-bagong-covid-variant-sa-japan-health-ministry/

The post DOH: Bagong COVID-19 variant nakapasok na sa PH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-bagong-covid-19-variant-nakapasok-na-sa-ph/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-bagong-covid-19-variant-nakapasok-na-sa-ph)