Posibleng ang mga bagong COVID variant ang nagpaatas sa kaso ng COVID case sa bansa.

Ito ang inihayag sa Laging Handa press briefing ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kasunod ng pagtaas ng kaso ng kontaminasyon sa ilang mga lugar.

Sinabi ni Vergeire na mayroong anim na South African variants na nakita ng DOH habang mahigit 30 UK variants kaya patuloy na pinag-aaralan kung ang mga ito ang dahilan ng maraming kaso ng kinapitan ng sakit.

Ang bagong variants aniya ay mabilis makahawa at mabilis kumalat kaya mahalagang panatilihin ang pagsunod sa basic health protocols.

“There is new detection of this South African variants kung saan meron po tayong nadiskubre. Tatlo dito ay galing sa Pasay, dalawa ay dalawang OFWs na galing sa UAE and Qatar, ‘yung isa ay bine-verify pa po natin kung anong lokasyon niya dito sa Pilipinas,” ani Vergeire.

Dahil dito mahigpit na nagbabantay ngayon ang local officials para obserbahan ang kanilang mga komunidad at agad na maipaalam sa DOH kung mayroong pagtaas sa mga kinakapitan ng COVID-19.

Sa kabila ng tumataas na kaso ng COVID, sinabi ni Vergeire na mayroong sapat na bed capacity ang mga ospital.

The post DOH: Bagong COVID variant posibleng dahilan ng muling pagtaas ng COVID case first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-bagong-covid-variant-posibleng-dahilan-ng-muling-pagtaas-ng-covid-case/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-bagong-covid-variant-posibleng-dahilan-ng-muling-pagtaas-ng-covid-case)