Wala pang pinal na desisyon hingil sa lumabas na report na hinaharang umano ng Department of Health (DOH) ang pagbili ng bakuna ng mga kompanyang tinuring na ‘unhealty’ ang produkto.

Sa nilabas na pahayag ng DOH, sinabi na ang laman ng nasiwalat na Administrative Order ay nagsaad ng ilang section sa draft ng Implementing Rules and Regulations ng RA No. 11525 o COVID-19 vaccination law.

Paliwanag ng DOH, ang nilalaman ng naturang draft ay base sa rekumendasyon ng iba’t ibang stake holder, at nilinaw na sa kanilang consultation process, lahat ng mungkahi mula sa kanilang ahensya, National Task Force, vaccine manufacturer, local government unit at pribadong kompanya ay kanilang ino-honor.

Giit din ng ahensya na bawat probisyon na nagdi-discriminate sa isang sector ay hindi makakasama sa final version ng IRR.

“Any provisions that may tend to discriminate against any sector of the population from accessing COVID-19 vaccines will not be considered in the final version of the IRR,” ayon sa DOH.

Matatandaan na pinalutang ni Senadora Imee Marcos ang isyu nang malaman na base sa administrative order mula DOH ay hindi umano papayagan ang pagbili ng ilang kompanya ng bakuna para sa kanilang mga empleyado.

Kasama sa mga sektor na hindi aniya pinayagan makabili ng COVID-19 vaccine ay ang mga nagbebenta ng tabacco, gatas, asukal, soft drinks, at alak.

The post DOH: Bawal pagbili ng bakuna sa ilang kompanya, ‘di pa final first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-bawal-pagbili-ng-bakuna-sa-ilang-kompanya-di-pa-final/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-bawal-pagbili-ng-bakuna-sa-ilang-kompanya-di-pa-final)