Nag-stabilize umano ang bilang ng COVID-19 cases sa Cebu City ngayong Marso, ayon kay DOH Central Visayas spokesperson Mary Jean Loreche.

“Wala pa po tayo sa critical zone. Nasa below 60 percent pa po tayo,” ani Loreche sa TeleRadyo, Huwebes.

“Parang nagsta-stabilize na ‘yung cases natin ngayon,” dagdag niya.

Ngayong linggo aniya, nakapagtala ang Cebu City ng 137 kaso ng coronavirus, mas mababa sa 200 hanggang 300 kaso na naitala sa mga nagdaang linggo.

Ayon pa kay Loreche, hanggang ngayon ay hindi naman sila umaabot ng 50 kaso sa kada isang barangay o sitio.

The post DOH: Bilang ng COVID case sa Cebu stable first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-bilang-ng-covid-case-sa-cebu-stable/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-bilang-ng-covid-case-sa-cebu-stable)