Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa mga Pinoy na ang paparating na Mahal na Araw ay gunitain sa loob na lang ng kanilang tahanan.

Magsimba na lang anila online sa halip na personal na manalangin sa mga simbahan.

“With the continued rise in the number of cases being observed in the country, along with the threat of increased transmission posed by the expected higher mobility over the upcoming Holy Week, the DOH strongly urges the public to stay at home and instead opt for online masses,” saad ng DOH sa isang pahayag.

Hinikayat din ng ahensiya ang publiko na ipagpaliban na muna ang kanilang non-essential travel at sumunod sa minimum public health standards sa lahat ng oras para hindi na kumalat pa ang virus.

Una nang nagbabala ang OCTA Research group na pwedeng pumalo sa 10,000 ang maiulat na coronavirus cases sa bansa kada araw sa katapusan ng Marso.

The post DOH: Mag-online simba na lang sa Semana Santa first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-mag-online-simba-na-lang-sa-semana-santa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-mag-online-simba-na-lang-sa-semana-santa)