Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang mga Pinoy na magsuot ng face mask sa loob ng tahanan para maawat ang kumpulan ng kaso ng COVID-19 sa mga kabahayan.

Sabi ni DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea de Guzman, Lunes, ang pagsusuot ng mask ay makatutulong na maputol ang chain of transmission.

“Lalo na po sa mga bahay na merong matatanda, merong mga kasama sa bahay na meron ding sakit katulad ng hypertension or diabetes, napakahalaga na nagfe-face mask tayo,” banggit niya sa GMA.

“Sila po naiiwan sa bahay, tayo po lumalabas. So tayo ‘yung posibleng magdala ng mga infection na ito sa loob ng bahay at napakabilis po talaga mag-transmit within our homes,” aniya pa.

Sa ngayon, may 621,498 kaso na ng coronavirus sa Pilipinas, kabilang ang 48,157 active cases.

The post DOH nakiusap: Mag-mask sa loob ng bahay first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-nakiusap-mag-mask-sa-loob-ng-bahay/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-nakiusap-mag-mask-sa-loob-ng-bahay)