Hinimok ng isang epidemiologist ng Department of Health (DOH) ang publiko na sumailalim na sa COVID-19 test para maiwasan ang patuloy na pagkalat ng coronavirus disease sa bansa.

Ani Dr. John Wong, resident epidemiologist ng DOH, isang dahilan ang hindi pagkuha ng COVID-19 test ng inidibidawl kaya patuloy na tumataas ang kaso ng naturang virus sa bansa.

“One indicator we were seeing kasi is there’s a delay in health seeking. On the average, it takes three days for [an] asymptomatic person to go get tested,” ani Wong sa isang briefing.

“In those three days, they could be infecting their household members or people at work… People [should] seek testing much earlier,” pagpapatuloy niya.

Buhat nito, pinalalahanan ni Wong ang publiko na laging sundin ang mgha ipinatutupd na health protocol ng mga awtoridad.

“Our focus now should be… masking and ventilation. You wear a mask to protect yourself but also to protect other people. It’s sort of a form of herd immunity also. As more people wear masks, you protect the rest of the population.”

Nito lamang Biyernes nang hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na magbakuna na kontra COVID-19 dahil makatutulong umano ito sa pagpuksa ng pandemya.

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/duterte-sa-publiko-magpabakuna-na-kayo-asap/

The post DOH sa publiko: Magpa-Covid test na kayo! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-sa-publiko-magpa-covid-test-na-kayo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-sa-publiko-magpa-covid-test-na-kayo)