Nakahanda umano ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magbigay ng tulong-pinansyal sa lahat ng mga displaced worker sa NCR Plus sa panahon ng isang-linggong lockdown.

“We are prepared anyway to provide cash assistance sa ating displaced workers, especially yung nasa formal employment, and, of course, ‘yung ating OFWs,” ani DOLE Secretary Silvestre Bello III sa ABS-CBN’s TeleRadyo, Linggo.

“For the formal workers, we will rely on employers who will submit to us [ang] mga pangalan ng workers nila na na-displace,” punto pa niya.

Dahil tumataas ang bilang ng nahahawa sa COVID-19, isasailalim ang NCR Plus — ang National Capital Region, Cavite, Laguna, Bulacan, at Rizal — sa enhanced community quarantine o ECQ mula Marso 29 hanggang Abril 4.

The post DOLE: Handa kami magbigay-ayuda first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dole-handa-kami-magbigay-ayuda/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dole-handa-kami-magbigay-ayuda)