Kinastigo ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pagiging “incompetent” ng Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na siyang dahilan aniya ng patuloy na pagdami ng kaso at ng mga namatay dahil sa COVID-19.

“Wala nang katapusan ang kapalpakan ng DOH at IATF at ito po ang dahilan sa pagpatuloy na dumadami ang araw-araw ang pagtaas ng kaso ng COVID-19, mahigit 12,000 ang namatay,” pahayag ni Drilon sa panayam sa Teleradyo.

“Maraming namamatay dahil sa incompetence ng mga taong ito,” dagdag pa nito.

Ang pagbatikos ni Drilon sa pagtugon ng gobyerno sa pandemya ay bunsod na rin ng diumano’y draft administrative order na nagbabawal sa ilang mga kumpanya na may conflict sa public na bumili ng COVID-19 vaccine.

“Itong mga kumpanyang ito ang siya din nagbabayad ng buwis, ang laki ng buwis na binabayad nito,” punto ni Drilon.

“And yet sasabihin mo, ‘Aba e hindi kayo pwedeng magbigay ng bakunang libre sa inyong mga empleyado.’ E talagang kapalpakan, hindi na po nagiisip itong mga taga DOH at taga IATF ng kanilang mga regulasyon,” saad pa ng minority leader.

Nauna nang sinabi ng DOH noong Linggo na ang draft administrative order na kumakalat ay hindi pa pinal.

“The [DOH] was made aware of the circulation of an unofficial draft DOH Administrative Order outlining some selected sections of the draft Implementing Rules and Regulation (IRR) of Republic Act No. 11525 or the COVID-19 Vaccination Law,” sabi ng DOH sa isang statement.

The post Drilon: Kapalpakan ng DOH, IATF walang katapusan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/drilon-kapalpakan-ng-doh-iatf-walang-katapusan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=drilon-kapalpakan-ng-doh-iatf-walang-katapusan)