Hindi makapaniwala si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang liability ang gobyerno sa lahat ng COVID-19 vaccines na binili ng pribadong sektor.

Paalala ni Drilon, si Duterte mismo ang lumagda noong nagdaang buwan sa COVID-19 Vaccination Program Act of 2021, na nagbibigay ng P500 million indemnity fund sakaling may mamatay o magkaroon ng matinding effect ang mga nabakunahan gamit ang bakunang binili ng gobyerno.

“Unbelievable,” pahayag ni Drilon sa kanyang text message sa mga reporter nang tanungin tungkol sa isyu, kasabay ng pagsabing ang indemnity clause ay ipinanukala nina Health Secretary Francisco Duque at vaccine czar Carlito Galvez.

Ang P500 milyong indemnity funday kukunin mula sa contingent fund sa tanggapan ng Pangulo.

“Duterte certified the law as urgent. We passed it. He signed it. There is a law,” diin ni Drilon.

Paniwala naman ni Senadora Imee Marcos ang pahayag ni Duterte ay tugon sa panawagan ng mga vaccine maker na ‘blanket immunity’ na aniya labag sa batas at taliwas sa public policy.

“Thus, the Vaccination Law recently passed by Congress and signed by PRRD (Duterte’s initials) last February 26 limits that absolute exemption from the suit,” sabi ni Marco sa isang statement.

Binanggit pa ni Marcos katulad ding probisyon sa batas para sa pananagutan ng vaccine manufacturer sa oras na magkaroon ng misconduct o gross negligence.

“No one can be deprived of their individual and private rights to file suit,” sabi pa ni Marcos.

The post Drilon nagulantang sa pagkontra ni Duterte sa pananagutan sa bakuna first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/drilon-nagulantang-sa-pagkontra-ni-duterte-sa-pananagutan-sa-bakuna/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=drilon-nagulantang-sa-pagkontra-ni-duterte-sa-pananagutan-sa-bakuna)