Kung agad na maaamiyendahan ang Retail Trade Liberalization Act ay hindi na kailangang isulong pa ang panukalang Charter Change, ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon.

“The immediate passage of this law will remove the steam the powers that Cha-cha train in the House of Representatives,” pahayag ni Drilon sa pagtalakay ng Senado sa Senate Bill No. 1840 o panukalang pag-amiyenda sa RA 8762, na naglalayong i-relax ang foreign restriction sa pamamagitan ng pagtanggal ng investment categories at paglgay ng across-the-board minimum paid up capital investment na katumbas US$300,000 sa Philippine peso.

Sabi pa ni Drilon, kung babaguhin din ang Foreign Invest Act, magre-relax din sa retail trade restriction at at aamiyendahan ang public service law, maaring kumite ang Pilpinas ng $30 bilyon sa foreign direct investment (FDI) kada taon.

“The proposed Cha-cha in the House of Representatives simply seeks to add the phrase ‘unless otherwise provided by law’ to address the so-called economic provisions of the Constitution,” sabi ni Drilon.

“But what we need now to address the economic slowdown is a concrete solution through the enactment of various economic measures such as the amendments to the Retail Trade Liberalization Act and the Public Service Act,” dagdag pa nito.

Si Drilon ang principal author ng Senate Bill No. 1840 habang sponsor naman si Senate Committee on Trade chairman Senator Aquilino Pimentel III.

“Amending the Retail Trade Liberalization Act will address a number of foreign investment roadblocks,” ani Drilon.

Sa ilalim ng kasalukuyang Retal Trade Liberalization Act, ang mga magnenegosyo na may paid-up capital na $2.5 milyon na katumbas sap iso ay reserve exclusively para sa mga Filipino citizen at mga korporasyon na wholly owned ng mga Pinoy.

Sa ilalim ng panukala ni Drilon, aalisin ang investment category at maglalagay ng minimum paid up capital investment ng US$300,000 sa Philippine peso para sa foreign retailers.

The post Drilon: ‘Pag binago trade liberalization law, Cha-cha no need na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/drilon-pag-binago-trade-liberalization-law-cha-cha-no-need-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=drilon-pag-binago-trade-liberalization-law-cha-cha-no-need-na)