Nanawagan ang isang grupo ng mga nurse upang bumaba sa puwesto si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.

Sa inilabas na pahayag nitong Sabado, sinabi ng Filipino Nurses United (FNU) na dapat nang magbitiw si Duque at palitan nang mas may kakayahang kalihim ng DOH.

“We hope that our leadership be replaced by likewise a more competent Secretary of Health. Secretary Duque must resign for the betterment of our health,” saad ng FNU.

Dagdag nila, nakakabahala na ang pagsirit ng COVID-19 case sa mga nakalipas na araw.

“The surge of COVID-19 cases among the general population especially in NCR (National Capital Region) in recent days is worrisome with reported daily cases not lower that 3,000 up to yesterday with the all-time high record of more than 7,103 new COVID-19 cases,” sabi pa ng FNU.

Ikinalungkot ng FNU ang pagtaas ng bilang ng mga medical frontliner na nahahawahan ng viral disease dahil umano sa hindi mahusay at maling pamamahala sa COVID-19 response.

“Undoubtedly, with the increasing COVID-19 cases of infection and deaths among health workers, nurses, doctors and co-health workers are victims themselves of a government COVID-19 response that is generally inefficient and mismanaged,” hayag pa ng FNU.

The post Duque pinagbibitiw ng mga nurse first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duque-pinagbibitiw-ng-mga-nurse/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duque-pinagbibitiw-ng-mga-nurse)