Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya perpekto at hindi rin perpekto ang kanyang gobyerno.

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang talumpati sa isang dinaluhang aktbidad sa Cagayan de Oro Cito nitong Biyernes.

Ayon sa Pangulo, marami siyang pagkukulang subalit hindi siya tiwali at hindi nagnanakaw ng pera ng bayan.

Mayroon aniya siyang mga kaso kaugnay sa extrajudicial killings subalit mapapawalang-saysay din ito.

Ang nais lamang aniya ng Pangulo ay maprotektahan ang bansa laban sa mga gustong sumira at magpabagsak nito at hindi niya papayagang magtagumpay ang sino mang nais na wasakin ang gobyerno.

“The government isn’t perfect. I’m not perfect either. Faults? Me? Plenty but I don’t steal money. I only have cases about extrajudicial killings. Im trying to preserve my country,” anang Pangulo.

Hindi aniya siya kailangan pangaralan ng kahit sinoman dahil mahal niya ang bansa at wala siyang balak na mangibang bansa , di tulad ng iba na nanirahan sa Amerika.

The post Duterte: Gobyerno hindi perpekto, hindi rin ako perpekto! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-gobyerno-hindi-perpekto-hindi-rin-ako-perpekto/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-gobyerno-hindi-perpekto-hindi-rin-ako-perpekto)