Special mention si Pangulong Rodrigo Duterte sa radio show ni Vice President Leni Robredo ngayong araw.

Binati ng huli ang nauna na nagdiriwang ng ika-76 kaarawan ngayong Linggo, Marso 28.

“Baka makalimutan natin, birthday ni Pangulo ngayon. So, happy birthday po,” sambit ng Bise sa kanyang lingguhang programa.

Kahapon, sinabi ng Palasyo na magdiriwang si Duterte ng birthday nito sa Davao City.

Pero balak niyang bumalik sa Maynila upang salubungin ang pagdating ng 1 milyong doses ng Sinovac COVID-19 vaccine bukas, dagdag ni Duterte’s spokesperson Harry Roque.

The post Duterte na-shout out ni Robredo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-na-shout-out-ni-robredo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-na-shout-out-ni-robredo)