“Nagdududa ka kasi na nagpabakuna na ako kasama ng mga sundalo kaya panay ang tikoy tikoy, ginaganoon mo ako.[Y]ou seem to have an angel face but a devilish mind” – ito ang naging tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos hamunin ni Bise Presidente Leni Robredo na pangunahan ng Pangulo ang pagpapabakuna ng Sinovac vaccine sa bansa.

Ani Duterte, hindi inirerekomenda sa matatanda ang bakuna mula Sinovac dahil pang 18-anyos hanggang 59-anyos lamang ito.

“You know in the protocol, the preferential right is given to 18 above tapos 59. Ako, mareng Leni, 70 na eh. Masyado kang apurado sa protocol eh,” sambit ng Pangulo sa isang address.

“We are not even considered as those needing or occupy a priority in the application of COVID. Mahirap kasi yang ano mo, you are baiting me,” pagpapatuloy niya.

Hirit pa niya, feeling ‘relevant’ umano ang VP matapos nitong manawagan sa mas mabusising pag-aaral hinggil sa Sinovac vaccine.

“Now, sometimes you make an idiotic stance. ‘They deserve the best’ Anak ng! Bakit, ako? I would give them the worst? Hindi ko iiwanan ‘yong mga frontliners,” hayag niya.

Kaugnay nito, hinamon din ng Pangulo si Robredo na mapabakuna na kontra COVID-9 dahil pasok naman siya sa itinakdang age bracket.

“Siya ang apurado, siya ang mauna. She’s young, I am not. I have to defer to my doctor… Bakit dadramahin pa ‘yang sino mauna? Ako, magpabakuna. Ang problema, ang doktor ko may hinihintay.”

Unang nang hinimok ng VP si Duterte na isapubliko niya ang kanyang pagpapabakuna para tumaas ang kumpiyansa ng publiko sa mga COVID-19 vaccine.

The post Duterte napuno kay Leni: Mukha ka lang anghel pero demonyo utak mo! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-napuno-kay-leni-mukha-ka-lang-anghel-pero-demonyo-utak-mo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-napuno-kay-leni-mukha-ka-lang-anghel-pero-demonyo-utak-mo)