Muling nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanan na magpabakuna laban sa COVID-19 sa lalong madaling panahon para makabuwelo na ang lahat sa epekto ng pandemya.

Sa kanyang talumpati sa pagsalubong sa AstraZeneca vaccines sa Villamor Airbase, Pasay City nitong Huwebes ng gabi, hinikayat nito ang mga Pilipino na agad magpabakuna para mapigilan ang lalo pang pagkalat ng sakit.

“I appeal to our kababayans, please get vaccinated against COVID-19 and be the government’s partner in preventing further spread of disease,” anang Pangulo.

Binigyang-diin ng Presidente na ang mga dumating na bakuna ay ligtas at siyang magiging susi para muli makapagbukas ng ekonomiya.

Sinabi ni Pangulong Duterte na agad ipapamahagi ang mga bakuna sa mga komunidad sa buong bansa para makapagsimula at malagpasan ang COVID pandemic para sa isang malusog at ligtas na bansa.

“We may not be out of the woods yet, but we are making progress and the end is in sight,” dagdag ng Pangulo.

The post Duterte sa madla: Magpabakuna vs. Covid first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-sa-madla-magpabakuna-vs-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-sa-madla-magpabakuna-vs-covid)