Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto si Marichu Mauro na siyang Ambassador ng bansa sa Brazil matapos masapul sa video habang sinasaktan ang kanyang Pinay na kasambahay.

“‘Yung ambassador dun sa Brazil [The Ambassador in Brazil] who maltreated a household helper…the recommendation was, and I am, I signed it…I signed the document affirming the decision. The decision metes out the penalty of dismissal from the service with the accessory penalty of cancellation of eligibility, forfeiture of retirement benefits, perpetual disqualification from holding public office, and barred from taking civil service examination,” wika ng Pangulo sa kanyang address nitong Lunes.

Anang Pangulo, maging ang mga retirement benefit ni Mauro ay tatanggalin na rin.

Bukod dito, hindi na rin papayagang mag trabaho sa kahit anong public office ang Ambassador maging ang pagkuha niya ng civil service examination ay pinagbawal na rin.

Magugunitang Oktubre ng nakaraang taon ng pumutok ang balita hinggil sa pananakit ni Mauro sa Pinay na kasambahay sa Brazil.

Nasapul kasi sa video ang pambabato at pananabunot nito sa Pinay na household keeper.

Ayon sa ulat, nakauwi na ng bansa ang minaltratong kasambahay.

The post Duterte sinibak sa puwesto PH ambassador sa Brazil, tinanggalan ng benepisyo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-sinibak-sa-puwesto-ph-ambassador-sa-brazil-tinanggalan-ng-benepisyo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-sinibak-sa-puwesto-ph-ambassador-sa-brazil-tinanggalan-ng-benepisyo)