Posible pang maaprubahan ng Kamara at Senado ang panukala para maamyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution bago matapos ang taon.

Ayon kay Deputy Speaker at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez maaaring ipagpatuloy ang deliberasyon ng Resolution of Both Houses no. 2 sa pagbabalik ng sesyon sa Mayo 17.

Sa Marso 25 ang huling araw ng sesyon bago ang Holy Week break ng Kongreso.

Sinabi ni Rodriguez na nais ni Speaker Lord Allan Jay Velasco na mapagbigyan ang lahat ng nais na magtanong tanong kaugnay ng panukala.

Kapag naaprubahan ng Kamara ay ipadadala na ito sa Senado.

Layunin ng RBH 2 na bigyan ng kapangyarihan ang Kongreso na amyendahan ang mga probisyon ng Konstitusyon na mayroong kaugnayan sa ekonomiya upang mas marami umanong dayuhang mamumuhunan ang pumasok.

“The changing of those restrictions will hasten the country’s recovery from this crippling pandemic. It will help attract more foreign investments and provide more employment to our people which are really the objectives of Speaker Velasco’s RBH-2,” ani Rodriguez.

Pinawi rin ni Rodriguez ang mga agam-agam na mauwi sa pagpapahaba ng termino ng mga nanunungkulan ang panukala.

“In fact, our plenary discussions for the past 3 weeks now have been limited to RBH-2. No one among the 300 members of the House has suggested any political amendment,” dagdag pa ng solon.

Magkahiwalay din umanong boboto ang Senado at Kamara hinggil sa panukala.

The post Economic Cha-cha may pag-asa pa first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/economic-cha-cha-may-pag-asa-pajslkfadfafanldkasd653265643131/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=economic-cha-cha-may-pag-asa-pajslkfadfafanldkasd653265643131)