Tinutulak ni Probinsyano Ako party-list Rep. Jose “Bonito” Singson Jr., ang panukalang batas na itataas sa 21 ang edad ng mga maaaring manigarilyo, mula sa kasalukuyang 18 taong gulang.

Umaasa si Singson na agad aaksyunan ang inihain nitong House Bill 6210 na mag-aamyenda sa Tobacco Regulation Act of 2003 kung saan nakasaad ang taong pinapayagan na gumamit, magbenta at bumili ng sigarilyo.

“This bill aims to save lives and improve the health conditions of our youth, for as the executive is actively doing its part in its advocacy against he harmful effects of smoking, so should the legislative in keeping with international standards of public health and good practices,” ani Singson.

Ayon kay Singson ang panukala ay batay sa rekomendasyon ng United Nation Interagency Task Force on the Prevention and Control of Noncommunicable Diseases (UNIATF-NCD).

Suportado umano ng Philippine Society of Medical Oncologist ang rekomendasyon ng UNIATF-NCD.

Batay sa datos ng World Health Organization, sinabi ni Singson na 17,255 Pilipino ang nagkaroon ng lung cancer noong 2019. Ang lung cancer ay iniuugnay sa paninigarilyo.

The post Edad ng pwedeng mag-yosi gustong itaas sa 21 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/edad-ng-pwedeng-mag-yosi-gustong-itaas-sa-21/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=edad-ng-pwedeng-mag-yosi-gustong-itaas-sa-21)