Kasalukuyang nakaantabay ang Malacañang sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa muling pagbubukas ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagluluwag ng mga quarantine restriction sa Abril, ayon kay presidential spokesman Harry Roque.

Anang Pangulo, makatutulong ang muling pagbubukas ng ekonomiya ng bansa sa mga indibidwal na hindi makapagtrabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

Dagdag pa niya, lalo lang maghihrap ang mga Pinoy kung magpapatupad pa ng mas mahabanag lockdown.

“Quarantine classifications are decided on a monthly basis. So, we are looking at opening the economy by April. It is still mid-March,” anang Pangulo sa isang talumpati sa Dumaguete City.

“Hindi ko malaman kung saan ako pumunta but I said the economy must be opened in a short while. Kaya paspasan ‘yang bakuna tutal umabot na,” pagpapatuloy niya.

The post Ekonomiya magbubukas na sa Abril – Roque first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ekonomiya-magbubukas-na-sa-abril-roque/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ekonomiya-magbubukas-na-sa-abril-roque)