Isang empleyado ng Kamara de Representantes ang nasawi matapos na mahawa ng COVID-19.

Ang lalaking empleyado ay tauhan ng Press and Public Affairs Bureau.

Siya ay nagpositibo sa COVID-19 noong nakaraang linggo at nasawi kaninang umaga, Marso 22.

Dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ay nilimitahan ng liderato ng Kamara ang mga taong papayagang makapasok sa Batasan Complex.

Kahit na ang mga kongresista na maaaring pisikal na dumalo sa sesyon ng plenaryo ay limitado lamang sa 20.

Tanging 20 empleyado na kailangan sa pagsasagawa ng sesyon ang papayagan na pumasok sa loob ng plenaryo.

Ang sesyon sa plenaryo ay hanggang sa Miyerkules. Sa Sabado magsisimula ang Lenten break ng Kongreso.

The post Empleyado ng Kamara todas sa COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/empleyado-ng-kamara-todas-sa-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=empleyado-ng-kamara-todas-sa-covid)