Halos P5,000 ang naiuwi ng isang 12-anyos na Filipino-American student na nanalo sa 2021 Andrew Stern memorial essay contest.

Si Daniella Ramos ang nagkamit ng first place sa elementary school category ng naturang timpalak na inaalala si Andrew Stern, isang graduate ng East Rockaway, New York sa Amerika na kabilang sa mga nasawi sa pag-atake ng mga terorista noong Setyembre 11, 2001.

Ang paksa ngayong taon ay tungkol sa pagkakatulad at/o pagkakaiba ng 9/11 at ng pandemyang COVID-19.

Sagot ni Ramos, isang grade 6 student sa East Rockaway Elementary School, parehong nag-provoke ng diskriminasyon ang dalawang pangyayari laban sa ibang lahi: laban sa mga Muslim noong 9/11 at laban sa mga Tsino noon namang pandemya.

“If there’s one good thing that came out of these disastrous events, it would be that the world and people came together for each other,” ayon pa sa essay ni Ella, sa ulat ng Inquirer.

“Countries have united to hopefully put an end to this virus. More value and appreciation were put on healthcare workers and other professions that were tagged as front liners.”

“These two events have and will be a part of history. They will be remembered as times of sorrow and misery and will remind all people that there are things beyond our control,” aniya pa. “We got through 9/11, we can get through COVID.”

Noon namang 2017, nanalo si Ramos sa isang writing contest sa pagdiriwang ng Flag Day.

The post Fil-Am wagi sa 9/11 writing contest first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/fil-am-wagi-sa-9-11-writing-contest/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=fil-am-wagi-sa-9-11-writing-contest)