Naranasan ng isang Filipino-Chinese ang lumalaganap na hate crime sa mga Asyano sa Amerika.

Kinuwento ni Danilo Yuchang ang nangyari sa kanya pabalik ng kanyang opisina sa downtown San Francisco, California habang nasa kanyang lunch break.

Saad ng travel agent, naglalakad siya sa Market Street bandang alas-1:45 ng hapon, nang bigla siyang suntukin ng isang lalaki sa mukha.

“Tinulak ako, eh, napasubsob ako. Nung pababa ako, sinuntok na ako, tuloy-tuloy na suntok. Nawalan ako ng malay, eh. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nawalan ng malay,” saad ni Yuchang sa panayam ng ’24 Oras’.

May sinasabi rin aniya ang nambugbog sa kanya, ngunit hindi niya na ito maintindihan dahil sa sakit na naramdaman dahil sa panununtok.

Saad ng San Francisco Police Department, kinilala ang suspek na si George Davis Milton, na suspek din sa isa pang pananakit.

Tingin ni Yuchang, hate crime ang nangyari dahil hindi naman siya kinuhanan ng cellphone o wallet ng naturang suspek.

The post Fil-Chinese duguan, biglang binugbog sa California first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/fil-chinese-duguan-biglang-binugbog-sa-california/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=fil-chinese-duguan-biglang-binugbog-sa-california)