Isang Pilipina ang panibagong biktima ng hate crime sa Amerika dahil sa isyu ng COVID-19.

Sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na binubog ang isang Pinay sa San Francisco dahil sa tumitinding hate crime .

Gayonman, hindi pinangalanan ni Romualdez ang biktimang Pinay subalit tiniyak na maayos na ang kalagayan nito.

“Mga awtoridad dito sa Amerika binabantayan nila lahat yan pero sige pa rin yung hate crime. The latest yung sa San Francisco, mayroong isang Filipina doon na binugbog ng akala nila Asian na silang nagdadala ng COVID sa Amerika,” ani Romualdez.

Target aniya ng hate crime ang mga Asian dahil pinahbibintangang ang mga ito ang nagdala ng virus na nagpapahirap ngayon sa maraming mamamayan sa Estados Unidos.

“Talagang matindi yung hate crime dito sa mga Asian dahil binibintangan nila lahat ng China virus. ‘Yan ang ugat ng hate crime,” dagdag ni Romualdez.

Inalerto na aniya nito ang lahat ng mga konsulada ng Pilipinas sa buong Estados Unidos para tulungan at alalayan ang lahat ng mga Pilipinong posibleng maging biktima ng hate crime.

Nakaalerto aniya ang mga otoridad sa Amerika para mapigilan ang pananakit sa mga Asyano kabilang na ang mga Pinoy.

“Lahat ng konsulada natin is they are all on alert kung mayroong problemang inilalapit sa kanila kami na ang nagdadala sa kanila sa mga awtoridad na naging biktima sila ng hate crime,” wika ni Romualdez.

The post Galit sa Asyano pinatindi ng COVID! Pinay binugbog sa Amerika first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/galit-sa-asyano-pinatindi-ng-covid-pinay-binugbog-sa-amerika/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=galit-sa-asyano-pinatindi-ng-covid-pinay-binugbog-sa-amerika)