Pinalawig ng Australia ang pagsasara sa mga international border nito hanggang Hunyo 17.

Dapat magtatapos itong “human biosecurity emergency period” sa Marso 17, 2021.

Ayon kay Health Minister Greg Hunt, Martes ng gabi, ito ay dahil patuloy pa ring may bitbit na public health risk ang mga tagalabas sa mga residente ng nasabing bansa.

“The extension of the emergency period is informed by specialist medical and epidemiological advice provided by the Australian Health Protection Principal Committee (AHPPC) and Commonwealth Chief Medical Officer,” wika ni Hunt, sa ulat ng SBS.

“The AHPPC has advised the Australian government the COVID-19 situation overseas continues to pose an unacceptable public health risk to Australia, including the emergence of more highly transmissible variants,” dagdag niya.

Sa ilalim ng human biosecurity emergency period, bawal pumasok ang mga biyahero sa Australia at bawal ding lumabas ang mga mamamayan sa nasabing bansa nang walang exemption.

Dahil in-extend ang patakaran, nangangahulugang ang borders ng Australia ay sarado nang hindi bababa sa 15 buwan.

The post Global travel ban ng Australia in-extend first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/global-travel-ban-ng-australia-in-extend/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=global-travel-ban-ng-australia-in-extend)