Dumepensa si presidential spokesperson Harry Roque sa mga kritiko ng gobyerno sa umano’y kakulangan sa pagtugon sa COVID-19 kaya kumalat ang naturang sakit sa bansa.

Ayon kay Roque, ang mga bagong variant ng COVID-19 ang dahilan kung bakit umakyat sa lampas 9,000 ang bagong kaso kada araw.

“Wala pong katotohanan iyan. Ang katotohanan po, hanggang February 22 ay nakontrol na po natin ang pagkalat ng COVID and, more or less, humigit-kumulang ay 1,000 cases na lang tayo a day. Pero pumasok po ang mga bagong variant,” lahad ni Roque sa ‘Unang Balita’.

Nakapasok na ang ilang bagong variant sa bansa, na nagmula sa United Kingdom, Brazil at South Africa. Bukod pa rito ay una ring natuklasan rin ang P.3 variant na sa Pilipinas unang nakita.

“It is not because of the government. It is because of the virus. The virus mutated,” aniya pa.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso, muling binalik ang enhanced community quarantine (ECQ) sa mga lugar na nasa NCR Plus, kasama dito ang Metro Manila, Laguna, Bulacan, Cavite at Rizal.

The post Gobyerno walang kasalanan! Roque sinisi bagong variant sa paglobo ng COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gobyerno-walang-kasalanan-roque-sinisi-bagong-variant-sa-paglobo-ng-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=gobyerno-walang-kasalanan-roque-sinisi-bagong-variant-sa-paglobo-ng-covid)