Naghain ng resolusyon si Deputy Speaker Bernadette Herrera upang paimbestigahan sa Kamara de Representantes ang hindi umano pagbibigay ng 20 porsyentong diskuwento ng mga food delivery application sa mga senior citizens.

Sa kanyang House Resolution 1626, sinabi ni Herrera na malinaw sa Expanded Senior Citizens Act of 2010 (Republic Act 9944) na mayroong 20 porsyentong diskuwento ang mga residente ng bansa na edad 60 taon pataas.

Nakalagay umano ito sa Section 3(g) ng RA 9944 at ang kondisyon lamang ay ang pagbibigay ng senior citizen ID card number at pagpapakita ng senior citizen card sa delivery man.

“There is an increasing number of complaints from the senior citizens who could not avail of the 20-percent discount mandated by law for food deliveries using applications like Food Panda and Grab, among others,” ani Herrera.

Dapat umano ay isama ng Food Panda at Grab sa kanilang mga food delivery application ang diskuwento lalo at maaari nilang magtukoy kung senior citizen na ang nagpapa-deliver ng pagkain.

“The money equivalent to the 20 percent discount of the senior citizens may be utilized for the medicine and other maintenance expenses as well as other necessities,” dagdag pa ng lady solon.

The post Grab, Food Panda pinaiimbestigahan sa hindi pagbibigay ng 20% discount sa seniors first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/grab-food-panda-pinaiimbestigahan-sa-hindi-pagbibigay-ng-20-discount-sa-seniors/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=grab-food-panda-pinaiimbestigahan-sa-hindi-pagbibigay-ng-20-discount-sa-seniors)