Nagiba kahapon ang isang abandonadong gusali sa Maynila, kung saan tatlong lalaki ang na-trap.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, natagpuan na ang lokasyon nitong tatlo pero hindi pa sila nakukuha dahil nananatiling unstable ang nasabing gusali sa Maria Orosa Street. Bago ang pagbagsak, ang gusali ay dine-demolish.

“Nakita na sila. Pare-pareho sila, magkakatabi silang nakahiga. Hindi pa alam kung retrieval o wala na silang buhay, kasi only doctors can say,” dagdag ni Manila Police District Station 5 chief Lt. Col. Evangeline Cayaban.

Sabi ng BFP, natibag ang basement at unang palapag ng gusali bandang alas-11 ng umaga noong Sabado, Marso 20.

The post Gusali sa Maynila gumuho; 3 na-trap first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gusali-sa-maynila-gumuho-3-na-trap/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=gusali-sa-maynila-gumuho-3-na-trap)