Ayon sa Palasyo, bumoto ang mga alkalde ng National Capital Region (NCR) na pansamantalang isara ang mga gym, spa, at internet cafe hanggang Abril 4.

Inanunsiyo ito ni presidential spokesperson Harry Roque isang araw matapos niya ring sabihin na pwedeng mag-operate ang mga naturang establisyimento sa “NCR plus” areas pero kapag lang pumayag ang mga lokal na opisyal.

Kaso ang desisyon ng mga mayor ay isara muna ang mga ito para maawat ang pagsipa ng mga kaso ng COVID-19.

“Nagkasundo po ang Metro Manila mayors na sarado po sa susunod na dalawang linggo ang gyms, spas, at internet cafe,” ani Roque ngayong Martes.

Kahapon, sa unang araw ng pagpapatupad ng NCR plus bubble strategy, nakapagtala ang Pilipinas ng panibagong record-high sa bagong COVID-19 cases kung saan 8,019 katao ang dagdag na nagpositibo.

Magtatagal ang paghihigpit sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal, at Laguna mula Marso 22 hanggang Abril 4.

The post Gym, spa, computer shop sinara ng NCR mayors first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gym-spa-computer-shop-sinara-ng-ncr-mayors/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=gym-spa-computer-shop-sinara-ng-ncr-mayors)