Hindi pabor si Senador Sherwin Gatchalian sa panukala na magpatupad ng “hard general community quarantine” o “soft modified enhanced community quarantine” bilang solusyon sa tumataas na kaso ng coronavirus sa bansa.

Aniya, magreresulta lamang ito sa pagkalito ng publiko.

“Avoid ‘hard’ and ‘soft’ of anything. It will just confuse people!” tweet ni Gatchalian kagabi, Marso 19.


Paliwanag niya ngayong Sabado (Marso 20), maguguluhan lang ang mga tao sa pag-iimbento ng mga bagong termino tulad ng “hard GCQ” at “soft MECQ” na magreresulta sa higit na hindi pagsunod sa mga patakaran.

“Sanay na tao sa GCQ and MECQ. Let’s just stick to that,” anang senador sa Manila Bulletin report.

Hindi rin aniya siya sang-ayon na i-lockdown ang National Capital Region sa ngayon at sa halip ay dapat maging mahigpit ang mga local government unit sa pagpapatupad ng localized lockdown.

Nitong Sabado panibagong 7,999 katao ang nagpositibo sa virus kaya naman sumirit sa 656,056 ang kabuuang bilang ng COVID case.

The post ‘Hard’, ‘soft’ lockdown pampalito lang sa publiko – Gatchalian first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hard-soft-lockdown-pampalito-lang-sa-publiko-gatchalian/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=hard-soft-lockdown-pampalito-lang-sa-publiko-gatchalian)