Ginarantiyahahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging prayoridad ang lahat ng health workers – private o public – sa COVID-19 vaccination ng bansa.

Ito ang sinabi ni Senador Chritopher “Bong” Go matapos iulat ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. kay Duterte na nakahandang tumangga ang St. Luke’s Medical Center ng Sinovac vaccine para sa kanilang mga health worker.

“Just like what the President said, our government will extend all help possible to all sectors and, likewise, we also welcome all the help we can get from these sectors, especially from the private health institutions, in order to accelerate our vaccine rollout and strengthen public confidence in these COVID-19 vaccines,” sabi ni Go sa kanyang text message sa Abante.

Batay umano sa latest priority list para sa COVID-19 vaccination, nangunguna ang frontline workers sa mga health facility, nasyonal man ito o lokal.

“Health professionals and non-professionals like students, nursing aides, janitors, barangay health workers, etc. are considered as A1 or topmost priority sector in vaccination,” ayon kay Go.

Binigyag diin nito na kailangang unahin ang mga health front liner sa vaccine rollout dahil ma-preserne ang health care system sa bansa lalo na’t sila ang mas bulnerable sa ngayong pandemya.

“Ito ang panahon na kailangang magtulungan at magbayanihan ang lahat upang makuha ang kumpyansa ng taumbayan sa pagbabakuna. Sa huli, lahat naman tayo ay mga Pilipino. Sama-sama po tayong babangon muli mula sa pandemyang ito bilang isang nagkakaisa at mas matatag na bansa,” saad ni Go.

“Sabi nga ng Pangulong Duterte, ‘No one is safe until everyone is safe.’ No one must be left behind towards recovery,” dugtong pa nito.

The post Health workers top priority sa Covid turukan – Go first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/health-workers-top-priority-sa-covid-turukan-go/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=health-workers-top-priority-sa-covid-turukan-go)