Wagi ang Filipino-American singer na si H.E.R. sa Grammys 2021.

Sa kanta niyang “I Can’t Breathe,” dinaig niya ang iba pang nominee sa “Song Of The Year” category na sina Beyoncé, Taylor Swift, Post Malone, at Billie Eilish.

Ito na ang pangalawa niyang career Grammy win.

Pero paano ba namulat si H.E.R., na may real name na Gabriella Sarmiento Wilson, sa musika?

Kuwento niya kay James Corden, musikero ang kanyang tatay at ang nanay niya ay Pilipina.

“I’m half Filipino, and Filipinos love karaoke,” banggit ng 23-anyos na singer-songwriter.

“So yeah, I love to sing, I’ve always been around music my entire life and I just gravitated towards instruments.”

“They were at my house and my dad would rehearse with his band. So yeah, they were just available to me,” sey niya pa.

The post H.E.R. tsinika paano siya nahilig sa musika first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/h-e-r-tsinika-paano-siya-nahilig-sa-musika/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=h-e-r-tsinika-paano-siya-nahilig-sa-musika)