Nakapagpaturok na ng COVID-19 vaccine si House Committee on Health chairperson at Quezon Rep. Angelina Tan.

Ang bakunang CoronaVac na gawa ng China-based na Sinovac Biotech Limited ang ginamit kay Tan sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Ang anak ni Tan ay isang doktor sa VMMC. Mayroong alokasyon ang kanilang pamilya para sa bakuna laban sa COVID-19.

“Huwag tayong matakot magpabakuna, protektahan natin ang isa’t isa upang sabay-sabay nating malagpasan ang pandemya,” ani Tan.

The post House committee on health chair nagpabakuna na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/house-committee-on-health-chair-nagpabakuna-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=house-committee-on-health-chair-nagpabakuna-na)