Bawat Filipino na magkakaroon ng COVID-19 vaccine at ang vaccination program ay base sa siyensa at hindi sa pulitika, ayon kay Senador Christopher “Bong” Go.

“Wala pong problema, alam niyo po itong bakunang ito ay para po ito sa lahat ng Pilipino, mapa-kritiko ka man o mahal niyo man kami,” pahayag ni Go.

Tiniyak din nito na tatratuhin ng gobyerno na pantay-pantay ang lahat anuman ang political view ng mga ito.

“Ulitin ko, mahal niyo man kami o hindi, para po ito sa Pilipino, pantay-pantay po tayo na Pilipino,”ani Go.

Nanawagan din ang senador na sa halip na magsisihan, dapat tumulong na lang ang mga kritiko ng pamahalaan para mabilis ang pagrekober mula sa pandemya.

“Dapat po magkaisa tayo at huwag na tayong magsisihan sa panahong ito dahil ang importante po ay malagpasan natin itong krisis na ito,” panawagan nito.

Binigyang din pa nito na karapatan naman ng bawat isa na punahin ang gobyerno basta’t hindi silang magpapapakalat ng maling impormasyon.

“Ako po, masaya na po ako kapag malagpasan natin itong krisis na ito dahil patuloy po kayong mag-criticize po muli,” sabi ni Ho.

“Ito naman po, this is democracy po. Karapatan niyo pong batikusin ang ating gobyerno, basta totoo lang po ang gagawin niyong information, totoo lang po,” wika pa nito.

The post Huwag haluan ng pulitika COVID-19 vaccine rollout – Go first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/huwag-haluan-ng-pulitika-covid-19-vaccine-rollout-go/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=huwag-haluan-ng-pulitika-covid-19-vaccine-rollout-go)