Isinara ang pampublikong palengke sa bayan ng Angat sa Bulacan mula Biyernes hanggang ngayong Linggo.

Nagsagawa kasi ng extensive disinfection sa nasabing palengke matapos magpositibo sa coronavirus disease ang ilan sa mga manininda roon.

Hindi naman binanggit ni Mayor Leonardo De Leon kung ilang vendor ang nagkasakit.

Pero sinabi niyang muling bubuksan ang palengke sa Lunes, Marso 22.

Isasara na kada Linggo para sa disinfection ang nasabing public market dahil sa bagong kumpulan ng mga kaso ng COVID-19 doon, dagdag ni De Leon.

Nilimita rin mula alas-4 ng umaga hanggang tanghali ang oras sa palengke mula Lunes hanggang Sabado.

The post Ilang tindero Covid-positive, palengke sa Bulacan ni-lockdown first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ilang-tindero-covid-positive-palengke-sa-bulacan-ni-lockdown/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ilang-tindero-covid-positive-palengke-sa-bulacan-ni-lockdown)