Isinantabi ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang pagdinig sa madugong “misencounter’ sa pagitan ng mga tauhan ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency matapos magpositibo sa COVID-19 ang dalawang pinuno ng naturang ahensiya.

Sa advisory na pinadala ng tanggapan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, ang chairman ng komite, kansela doang pagdinig na nakatakda sana sa Lunes ng umaga.

“Please be informed that tomorrow’s Committee on Public Order and Dangerous Drugs hearing on the PNP-PDEA misencounter is indefinitely postponed again for reasons that Gen. Sinas and DG Villanueva both tested positive for Covid19 and all other resource persons from both camps are exposed to their principal and further advised to undergo quarantine,” sabi ni Dela Rosa sa advisory.

“One of the close contacts of Gen. Sinas and Gen. Danao, PLTCOL Exclamadura, died yesterday after testing positive together with the CPNP. Committee hearings of this kind can be more frustrating if done virtually,” dagdag pa nito.

Pinadala ang advisory ilang oras matapos ihayag ni PDEA chief Wilkins Villanueva na nagpositibo siya COVID-19.

Kinumpirma din ni Dela Rosa ang kanselasyon ng pagdinig. “Cancel muna at maraming covid positive from both sides,” sabi ng senador sa kanyang text message sa Abante.

Nauna nang nagpositibo rin sa virus si Philippine National Police chief General Debold Sinas.

The post Imbestigasyon ng Senado sa PNP-PDEA ‘misencounter’ ipinagpaliban first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/imbestigasyon-ng-senado-sa-pnp-pdea-misencounter-ipinagpaliban/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=imbestigasyon-ng-senado-sa-pnp-pdea-misencounter-ipinagpaliban)