Sinagot ni chief presidential legal counsel Salvador Panelo ang patama ni Senadora Imee Marcos na buwagin na ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

Ayon kay Panelo, tila sumasakay lamang sa isyu ang mambabatas, na nais kumuha ng mga public health expert para pamunuan ang responde sa pandemya.

Giit ni Panelo, ang rekumendasyon mula sa IATF ay galing sa siyensya.

“Ang problema kay Imee para naman siyang hindi nagbabasa ng diyaryo,” saad ni Panelo sa panayam ng Politiskoop sa Politiko Live.

“Ang mga meetings ng IATF palaging naroroon ang mga experts. Kasama sila sa discussion. Ilang beses na namin sinasabi yan pero nagbibingi-bingihan eh,” dagdag pa nito.

Matatandaan na sinabi ng Palasyo na hindi IATF ang dapat sisihin kundi ang pag-mutate ng virus kaya sumisirit ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

The post Imee Marcos binuweltahan ni Panelo: Sakay lang sa isyu! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/imee-marcos-binuweltahan-ni-panelo-sakay-lang-sa-isyu/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=imee-marcos-binuweltahan-ni-panelo-sakay-lang-sa-isyu)